Ipinahayag nitong Biyernes, Agosto 19, 2016, sa Beijing ni Aung San Suu Kyi, State Counselor ng Myanmar, na ang kanyang pinakamalaking pangarap ay pagsasakatuparan ng pambansang kapayapaan at pagkakaisa.
Sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, isinagawa ni Aung San Suu Kyi ang limang araw na pagdalaw sa Tsina sapul noong ika-17 ng buwang ito.
Sinabi niyang kung walang kapayapaan, walang pangmatagalang pag-unlad ang Myanmar. Dagdag pa niya, ang Tsina ay mahalagang kapitbansa ng kanyang bansa at umaasa siyang gaganap ang Tsina ng mahalagang papel para sa proseso ng kapayapaan ng kanyang bansa.
Ipinahayag naman niyang patuloy na pasusulungin ng kanyang bansa ang mainam na relasyon sa Tsina para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito.
Kaugnay ng pag-unlad ng Myanmar sa hinaharap, sinabi niyang ang tatlong pangunahing proyekto ng pag-unlad ay pagdaragdag ng hanap-buhay, pagbalangkas ng pambansang plano ng konstruksyon at enerhiya, at pagpapasulong ng modernisadong agrikultura.