Nang kapanayamin kamakailan ng media si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations(UN), sinabi niyang hinahangaan niya ang Tsina sa pagbibigay-patnubay sa gaganaping Hangzhou G20 Summit sa mga makro-isyung may-kinalaman sa sustenableng pag-unlad at pagbabago ng klima. Umaasa aniya siyang pasusulungin ng G20 Summit ang pagsasakatuparan ng Sustainable Development Agenda sa 2030 at Kasunduan ng Paris hinggil sa Pagbabago ng Klima. Ito aniya'y magiging kauna-unahan sa G20 Summit, na kapuwa tatalakayin ang isyung may-kinalaman sa sustenableng pag-unlad at pagbabago ng klima.
Umaasa rin si Ban na tatalakayin sa nasabing pagtitipon ang hinggil sa global governance na kinabibilangan ng pagpapahupa ng kasalukuyang nananatiling mahirap na kabuhayang pandaigdig, para maitatag ang ekonomiyang pandaigdig na may inobasyon, kasiglahan, konektibidad at sumasaklaw sa nakararami.