|
||||||||
|
||
Idaraos sa ika-4 at ika-5 ng Setyembro, 2016 sa Hangzhou, Zhejiang, lalawigan sa timog silangan ng Tsina ang G20 Summit. Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, dadalo rin sa Summit si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.
Sa isang interbyu, ipinahayag kamakailan ni Chen Gang, Senior Researcher ng National University of Singapore, na hindi miyembro ng G20 ang Singapore, ngunit, ang katayuan nito bilang sentro ng pinansiyang pandaigdig ay dahilan ng paglahok ng PM ng Singapore sa G20 Summit. Ayon pa kay Chen, sa ngalan ng punong-abalang bansa ng G20, inanyayahan ng Tsina ang Singapore, ito aniya ay muling nagpakita sa mabuting relasyon ng dalawang bansa.
Kauna-unahang beses na naging pangunahing tema ang "inobasyon". Tungkol dito, ipinahayag ni Chen na sa kasalukuyang situwasyon ng pagbagal ng paglaki ng kubuhayang pandaigdig at pagharap ng mga tradisyonal na industriya ng hamon, napakahalaga ng inobasyon para sa pagpapasulong ng kabuhayan, lalong lalo na, inobasyon sa industriya ng serbisyo at manufacturing industry.
Ani Chen, kauna-unahang beses ding inilakip ng G20 Summit ang "green finance." Aniya, dapat maging mahalagang istandard ng pagsusuri sa mga bahay-kalakal ang pangangalaga sa kapaligiran. Mas angkop na ang panahon para mapasulong ang "green finance," dagdag ni Chen.
Nang mabanggit ang liberalisasyon ng kalakalan, ipinahayag ni Chen na sa ilalim ng balangkas ng World Trade Organization, nakaranas ang liberalisasyon ng kalakalang pandaigdig ng malaking balakid. Umaasa aniya siyang ang Summit na ito ay magiging isang pagkakataon para muling mapasulong ang liberalisasyon ng kalakalang pandaigdig at paglaban sa proteksyonismong pangkalakalan.
Salin: Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |