|
||||||||
|
||
Agosto 31, 2016, BEIJING-Pagkatapos ng pag-uusap nina Premiyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministrong Justin Trudeau ng Kanada, humarap ang dalawang lider sa mga mamamahayag.
Isinalaysay ni Li ang bunga ng kanilang pag-uusap. Ipinahayag niyang nitong 46 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Kanada, may historikal na pag-unlad ang relasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Li na may pagkokomplemento ang kabuhayan ng dalawang bansa, malawak ang espasyo ng kooperasyon. At may malaking potensiyal ng kooperasyon sa hi-tek, agrikultura at iba pang larangan.
Kapuwa sinang-ayunan ng dalawang panig na maagang sisimulan ang pagsusuri hinggil sa kasunduan ng malayang kalakalan.
Binigyan-diin ni Li na ang komong interes ng Tsina at Kanada ay mas malaki kaysa pagkakaiba. Dapat pangalagaan ang pangunahing kalagayan ng relasyon ng dalawang panig batay sa paghanap ng komong palagay at pagsasaisang-tabi ng pagkakaiba.
Ipinahayag ni Trudeau na may bunga ang diyalogo ng dalawang panig. Nakahanda ang pamahalaan ng Kanada na ibayo pang hanap ang mga pagkakataon ng kooperasyon, palawakin ang larangan ng kooperasyon, para itatag ang mas mahigpit na partnership nila ng Tsina. Sinang-ayunan ng dalawang panig na itatag ang mekanismo ng diyalogo sa pinakamataas na antas; pasulungin ang kooperasyon sa agrikultura, malinis na enerhiya at inobasyon at iba pa; pahigpitin ang di-pampamahalaang pagpapalitan; palakasin ang pag-uugnay at pagtutulungan sa pagbabago ng klima, pangangalaga ng kapaligiran, suliraning pamayapa at iba pa.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |