|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakalawa ng gabi (local time) ni Punong Ministro Stephen Harper ng Kanada ang pagluluksa at panalangin sa mga biktima ng pagsabog sa Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina.
Inihayag ni Harper ang pakikidalamhati sa lahat ng mga Tsinong apektado ng trahedya. Umaasa aniya rin siyang gagaling ang mga sugatan sa lalong madaling panahon.
Hanggang alas seis (6:00) kahapon ng hapon, 50 katao ang naitalang namatay; 701 ang ginagamot sa ospital at 71 sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan, dahil sa pagsabog na naganap alas onse'y medya (11:30) kamakalawa ng gabi sa isang warehouse sa Tianjin.
Nakaimbak sa pasilidad ang mga delikadong kemikal.
Patuloy pa rin ang paghahanap at pagliligtas. At kasalukuyan nang iniimbestigahan ang dahilan ng nasabing pagsabog.
Inalam kahapon ng Serbisyo Filipino ang kalagayan ng mga OFW sa Tianjin. Ayon kay Gilbert Von San Jose, kinatawan ng Filipino Community sa Tianjin, nasa maayos na kalagayan ang mga Pinoy sa Tianjin.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |