BEIJING, Ika-31, Agosto, 2016--Kinatagpo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Justin Trudeau, dumadalaw na Punong Ministro ng Kanada.
Nagpahayag si Xi ng mainit na pagtanggap sa paglahok ni Trudeau sa G20 summit na idaraos sa Hangzhou, Tsina.
Binigyan-diin ni Xi na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang pagpapalitan sa mataas na antas. Dapat igalang ng dalawang panig ang sariling landas ng pag-unlad, nukleong interes at pangunahing pagkabalisa sa isa't isa. Tinatanggap aniya ng Tsina ang pag-apply ng Kanada sa pagsapi ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang koordinasyon ng dalawang bansa para pangalagaan ang bukas at inclusive at mutilateral na kalakalan.
Ipinahayag naman ni Trudeau na gumawa ang Kanada ng kapasiyahan na mag-apply sa pagiging miyembro ng AIIB, at nakahandang mapahigpit ang koordinasyon at kooperasyon nila ng Tsina sa multilateral na suliranin. Sumang-ayon ang Kanada sa mga tema ng G20 Summit na idaraos sa Hangzhou, gaya ng inobasyon, inclusive na pag-unlad, pagpapalakas ng pandaigdig na kooperasyon at iba pa.
salin:wle