Nagpadala ng mensahe ng pakikidalamhati, Linggo, Setyembre 4, 2016 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagsabog sa Davao City na naganap Biyernes ng gabi .
Ipinahayag ni Pangulong Xi ang kanyang pagkagulat sa nasabing teroristikong atake. Sa ngalan ng pamahalaan, sambayanang Tsino at kanyang sarili, ipinaabot ni Xi ang pakikidalamhati sa mga biktima ng pagsabog at pangungumusta sa mga kamag-anakan ng mga nasawi at nasugatan.
Ipinahayag din niya ang matinding pagkondena sa nabanggit na teroristikong atake na nakatuon sa mga sibilyan. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Pilipinas at iba pang mga miyembro ng komunidad ng daigdig para labanan ang terorismo at pangalagaan ang katatagan at kapayapaan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio