Kaugnay ng ipinahayag na pag-asa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na makadadalaw siya sa Tsina bago ang katapusan ng taong ito, ipinahayag Biyernes, Setyembre 2, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na winewelkam ng panig Tsino ang pagdalaw ni Pangulong Pilipino sa lalong madaling panahon.
Kaugnay ng posibilidad ng pagtagpo nina Pangulong Duterte at Premyer Li Keqiang ng Tsina sa panahon ng gaganaping serye ng mga pulong ng mga lider ng Silangang Asya sa Laos, sinabi ni Hua na bukas ang atityud ng panig Tsino hinggil dito.
Sinabi ni Hua na ang mainam na relasyon ng Tsina at Pilipinas ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at magkasamang hangarin ng kanilang mga mamamayan.
Sinabi rin niyang ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas ay mahalaga para palalimin ang pagkakaunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang panig.