Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Armed Forces at Philippine Army, kabalikat ng Philippine National Police

(GMT+08:00) 2016-09-05 18:42:47       CRI

MAKAKAASA ang Philippine National Police na makakasama nila ang mga kawal ng Armed Forces of the Philippines at ang may 85,000 mga kawal ng Philippine Army.

ALERTADO ANG TATLONG UNIFIED COMMANDS.  Naka-alerto ang Eastern Mindanao, Western Mindanao at National Capital Region Unified Commands matapos ang pagsabog sa Davao City noong Biyernes ng gabi.  Ito ang sinabi ni Col. Ed Arevalo, ang pinuno ng AFP Public Information Office sa "Tapatan sa Aristocrat" kanina. Walang dapat ipangamba ang mga mamamayan sapagkat ginagawa ng pamahalaan ang pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya at sektor ng lipunan, dagdag pa ni Col. Arevalo. (Melo M. Acuna)

Ito ang tiniyak ni Marine Col. Ed Arevalo, pinuno ng AFP Public Information Office at Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng Philippine Army sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.

Ipinaliwanag ni Col. Arevalo na layunin nilang panatiliin ang kapayapan sa bansa at masupil ang anumang kaguluhan kaya't makakasama sila ng mga pulis sa pagpapatrolya sa mga lansangan ng bansa.

Bagaman, makikiisa rin sila sa mga pamahalaang lokal sa pagtiyak na lahat ng mga ahensya ng pamahalaan ang gagawa ng kaukulang hakbang upang maiwasan ang anumang kahalintulad na kaguluhan sa Davao City.

Nasa ilalim ng "full alert" ang tatlong unified commands mula noong Biyernes ng gabi. Ang mga ito ay ang Eastern Mindanao, Western Mindanao at National Capital Region.

MAKAKASAMA NG PULISYA ANG MGA KAWAL NG ARMY.  Kasama sa tutulong sa pulisya ang mga kawal ng Philippine Army. Ito ang tiniyak ni Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng Philippine Army.  May 85,000 katao ang Hukbong Katihan, dagdag pa ng opisyal. (Melo M. Acuna)

Sa panig ni Colonel Benjamin Hao, tagapagsalita ng Philippine Army, tinawagan niya ang mga tagapagsalita ng sampung dibisyon at nag-ulat ang mga ito na nakikipag-ugnayan na sila sa iba't ibang peace and order councils.

PULISYA MAY KAKAYAHAN.  Sinabi ni Dr. Stephen Cutler, isang dating pinuno ng Federal Bureau of Investigation sa Manila na may kakayahan ang mga imbestigador ng Philippine National Police at hindi magtatagal, sa pamamagitan ng forensics ay matutunton at mababatid ang tunay na naganap sa Davao City noong Biyernes ng gabi. (Melo M. Acuna)

Nababahala naman si Dr. Stephen Cutler, dating pinuno ng Federal Bureau of Investigation sa Maynila, na wala pang liwanag kung sino ang may kagagawan ng pagpapasabog sa Davao City noong Biyernes ng gabi.

Nababahala umano siya sa pagpapahayag ng Abu Sayyaf Group na sila ang may kagagawan ng pagsabog subalit dagliang binawi at sinabi na lamang na kaalyado nila ang nasa likod ng pagpapasabog. Para kay Dr. Cutler, ang mga kabilang naman sa New People's Army ang nagsasabing kagagawan ng mga American ang pagsabog.

Naniniwala naman si Dr. Cutler sa kakayahan ng pulisyang masiyasat ang pangyayari at magkaroon ng maliwanag na kaalaman sa naganap. Nagkataon nga lamang na mabagal ang forensic exams subalit tiyak na maasahan ang ang kanilang ginagawang pagsusuri.

Ani Col. Arevalo kahit supporting role lamang ang kanilang gagawin sa pambansang pulisya, naniniwala silang matutunton ang lahat ng detalyes ng insidente. Maraming impormasyong natanggap hinggil sa pagsabog tulad ng sinasabing posibilidad na kagagawan ito ng mga drug lord o 'di kaya'y mga disgustadong mga mangangalakal sa pamilihan sa Davao City.

Bagaman, nanawagan silang tatlo sa madla na huwag lamang mag-post sa social media kungdi magbahagi ng impormasyon sa kinauukulan, tulad ng pulisya sa halip na mag-upload sa social media. Kailangang maproseso ang mga impormasyon upang makatugon sa pagsugpo sa kriminalidad.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>