Sinang-ayunan ng mga panig militar ng Tsina at Myanmar na pahihigpitin ang mga aktuwal na kooperasyon na gaya ng pagpapadalawan sa mataas na antas, pagsasanay sa mga tauhan, at magkasanib na pagsasanay, at tekonlohiya ng mga kagamitan.
Sa kanyang pakikipagtagpo, Martes, Setyembre 6, 2016, sa Nay Pyi Taw ng Myanmar, kay Min Aung Hlaing, Commander-in-Chief ng Myanmar Armed Force, Sinabi ni Xu Qiliang, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina, na kinakatigan ng panig Tsino ang pagsasakatuparan ng pambansang rekonsilyasyon at kapayapaan sa Myanmar sa pamamagitan ng talastasan. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ng dalawang panig militar ang kooperasyon para maigarantiya ang kapayapaan at katatagan sa hanggahan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Min Aung Hlaing na pinasasalamatan ng panig militar ng Myanmar ang pangmatagalang pagkatig ng panig militar ng Tsina. Nakahanda aniya siyang ibayo pang mapapalalim ang mainam na relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa at kanilang mga aktuwal na kooperasyon.