|
||||||||
|
||
Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Ipinahayag nitong Linggo, Setyembre 11, 2016, ni Prachin Chantong, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na dahil hindi pa nagkasundo ang Tsina at Thailand sa ilang probisyon sa kasunduang pangkooperasyon sa daam-bakal, sa pinakamaagang panahon, gagawin ang konstruksyon nito sa pagitan ng Bangkok at Kunming sa katapusan ng kasalukuyang taon, o sa unang dako ng susunod na taon.
Binuksan sa Nanning nang araw ring iyon ang Ika-13 China-ASEAN Expo (CAExpo). Dumalo rito ang delegasyong Thai na pinamumunuan ni Prachin Chantong.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi niya na sa aspekto ng pagpapalakas ng pagkakaibigan at pagtutulungang ASEAN-Sino, nakahanda ang kanyang bansa na gumanap ng konstruktibong papel. Aniya, sa mula't mula pa'y nagsisikap ang Thailand para maging tulay sa pagpapasulong ng konektibidad ng rehiyong ito sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |