|
||||||||
|
||
ITINAAS na ng PAGASA ang Signal No. 4 sa Batanes kaninang umaga matapos Marita ang bagyong si "Ferdie" Na may international name na Meranti na malapit na sa lalawigan na kinabibilangan ng Babuyan Group of Islands.
Kaninang isa-laging isa ng umaga, itinaas ng PAGASA ang Signal No. 3 sa mga lalawigan ng Babuyan Group of Islands samantalang nakataas ang Signal No. 2 sa Ilocos Norte, Apayao at Northern Cagayan.
Ang iba pang bahagi ng Cagayan, hilagang Isabela, Kalinga, Abra at Northern Ilocos Sur ang nasa ilalim naman ng Signal No. 1.
Nananatili ang lakas nitong 215 kilometro bawat oras at pagbugso na hanggang 250 kilometro bawat oras. Huling nakita si "Ferdie" sa layong 340 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Basco, Batanes at kumikilos sa direksyon ng hilagang kanluran sa bilis na 23 kilometro bawat oras.
Magkakaroon ng banayad hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa lawak na 600 kilometro kasabay ng pagbababala sa naninirahan sa pinaka-hilagang bahagi ng Luzon na mag-ingat sa matinding epekto ng hangin at ulan.
Tinataya itong may 150 kilometro sa kanluran-hilagang-kanluran ng Basco, Batanes bukas ng umaga at makakalabas sa Philippine Area of Responsibility sa Huwebes ng umaga.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |