Rehab centers, maitatayo na sa susunod na taon
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan ng salapi ang pamahalaan para sa mga rehabilitation centers na tutugon sa pangangailangan ng mga drug dependent sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga Filipino sa Jakarta Shangri-La Hotel kanina, sa salaping ilalaan, magkakaroon ng rehabilitation facilities para sa may daang-libong drug addicts.
Tumutulong na ang Tsina at pinasalamatan niya ang maunlad na bansa. Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte si Indonesian President Widodo sa pangunawa. Magkakaroon na umano ng kasunduan sa pagitan ng tatlong bansa, ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia upang masugpo ang pamimirata sa karagatan.
Ang mga piratang hahabulin palabas ng karagatan ng Indonesia ay papayagang makapasok sa Pilipinas at mabibigyan ng karapatang dakpin ang mga masasamang loob.
Saan man makarating ang mga pirata ay madarakip ng alinmang pulis o kawal ng tatlong bansa. Gagawaran na rin ng karapatan ang Indonesia na habulin at pasabugin ang mga sasakyang dagat ng mga pirata, dagdag pa ni Pangulong Duterte.
1 2 3 4