Kinausap sa Beijing, Setyembre 13, 2016 ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina sina Lim Jock Seng, Ika-2 Ministrong Panlabas at Pangkalakalan, at Mohammad Yasmin Umar, Ministro ng Enerhiya at Industriya ng Brunei.
Ipinahayag ni Yang na nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Brunei, nananatiling mabilis at malusog ang pag-unlad ng estratehikong pagtitiwalaan, pagpapalitan, at pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Brunei para pasulungin ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.
Ipinahayag naman nina Lim Jock Seng at Mohammad Yasmin Umar na nananatiling mainam ang bilateral na relasyon ng Tsina at Brunei. Samantala, may malawak din anilang prospek ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa. Umaasa anila silang ibayong isusulong ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.