|
||||||||
|
||
Ayon sa Malaysian National News Agency, ipinahayag kamakailan ni Mohamed Nazri Abdul Aziz, Ministro ng Turismo at Kultura ng Malaysia, na sa taong 2018, nais ng kanyang bansa na makaakit ng apat (4) na milyong turistang Tsino.
Sinabi niya na ito ay target na maaring maabot. Dahil sa masarap na pagkain, ekolohiyang panturismo, at angkop na distansya ng dalawang bansa, ang Malaysia ay napipiling destinasyon ng mga turistang Tsino, dagdag niya.
Noong unang anim (6) na buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa 1.3 milyong person-time ang mga turistang Tsino sa Malaysia.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |