Sinabi kamakailan ni Nazri Abdul Aziz, Ministro ng Turismo at Kultura ng Malaysia, na nakatulong sa pag-aakit ng mga turistang Tsino ang pagsasagawa ng e-Visa ng Malaysia, sapul noong Marso 2016. Aniya, noong unang 4 na buwan ng taong ito, mahigit 647,000 person-time na Tsino ang dumalaw sa Malaysia: ito'y halos doble kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Ipinahayag pa ni Nazri na dahil sa hakbang na ito, may kompiyansiya siyang aabot sa 4 milyon person-time ang kabuuang bilang ng mga turistang Tsino sa Malaysia sa taong 2016.
Salin: Andrea