New York, Estados Unidos--Ipinahayag nitong Linggo, Setyembre 18, 2016, ni Bill de Blasio, Alkalde ng New York na magde-deploy sila ng walang kasindaming pulis sa darating na linggo ng General Assembly ng United Nations (UN), makaraang 29 ang nasugatan sa pagsabog Sabado ng gabi. Nakatakdang idaos ang Ika-71 Sesyon ng UN General Assembly mula Setyembre 20 hanggang Setyembre 26, 2016.
Sa preskon hinggil sa nasabing pagsabog, sinabi ni de Blasio na pag-iibayuhin at pahihigpitin ang "bag search" at "canine activities" sa lahat ng mass transit system ng New York.
Sinabi rin ng alkalde na ang lahat ng nasabing 29 na sugatan sa pagsabog ay pinauwi na mula sa ospital. Idinagdag pa niyang iniimbestigahan pa rin ng kapulisan ang motibo sa likod ng pagsabog.
Naganap ang nabanggit na pagsabog mga alas 8:30 gabi ng Sabado (Eastern Daylight Time o 0030 GMT Sunday), sa mataong Chelsea district sa West 23rd Street, Manhattan.
![]( /mmsource/images/2016/09/19/8771b2e07f674aecb4968ef362cf8d94.jpg)
![]( /mmsource/images/2016/09/19/33e0ba834ba1483aba2703354eefd754.jpg)
![]( /mmsource/images/2016/09/19/686116ac0d194161afe307d3c5d979a7.jpg)
Ang mga imbestigador malapit sa lugar na pinagsabugan sa New York City, Amerika, Sept. 18, 2016. (Xinhua/Wang Ying)
Salin: Jade
Pulido: Rhio