Nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-19 ng Setyembre 2016, sa Punong Himpilan ng United Nations (UN) sa New York, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kay Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN.
Ipinahayag ni Li, na laging kumakatig at aktibong lumalahok ang Tsina sa mga usapin ng UN, at buong tatag na ipinagtatanggol ang mga layon at prinsipyo ng UN Charter. Nakahanda aniya ang Tsina, na patuloy na katigan ang pagpapatingkad ng mahalagang papel ng UN para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Ban, na mahalaga ang ginagampanang papel ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig. Hinahangaan aniya ng UN ang aktibong paglahok at pagbibigay-ambag ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad, pagpapalakas ng kooperasyon ng mga umuunlad na bansa, pagsasagawa ng pandaigdig na aksyong pamayapa, at mga iba pang usapin ng UN.
Salin: Liu Kai