Idinaos Setyembre 19, 2016, sa Singapore ang Porum ng Kooperasyon sa Imprastruktura at Pananalapi, nilagdaan ng Industrial and Commercial Bank of China (ICBC) ang kasunduan kasama ng 5 organisasyon ng Singapore para mapasulong ang kooperasyon nila sa konstruksyon ng imprastruktura, komprehensibong serbisyong pinansiyal at iba pa sa ilalim ng framework ng "Belt and Road" Initiative.
Ang nasabing mga organisasyon ay kinabibilangan ng Singapore Press Holdings (PSH), Singapore Business Federation (SBF), Singapore Exchange (SGX), Sinochem International Corporation at Surbana Jurong.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Yi Huiman, Tagapangulo ng ICBC na pinagtibay ng Hangzhou G20 Summit ang "Mungkahi hinggil sa Konektibidad ng Imprastruktura ng Daigdig," Ito ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng konstruksyon ng imprastuktura, at nakahanda ang ICBC na magsikap, kasama ng iba pang mga bahay-kalakal para mapasulong ito.
salin:wle