Nagtagpo kagabi, Martes, ika-6 ng Setyembre 2016, sa Vientiane, Laos, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.
Ipinahayag ni Li, na dapat panatilihin ng mga lider ng Tsina at Singapore, ang mahigpit na pag-uugnayan, para palakasin ang relasyon ng dalawang bansa, pasulungin ang kooperasyon, palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan, at isakatuparan ang win-win result. Umaasa rin aniya siyang bilang tagapagkoordina sa relasyong Sino-ASEAN, patuloy na patitingkarin ng Singapore ang konstruktibong papel para sa pag-unlad ng relasyong ito.
Ipinahayag naman ni Lee ang pag-asang palalakasin ang pagpapalagayan at pagtutulungan ng Singapore at Tsina. Nakahanda rin aniya ang Singapore, na magsikap para dagdagan ang pag-uunawaan ng ASEAN at Tsina, at palawakin ang komong interes ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai