Ayon sa International Monetary Fund(IMF), opisyal na sasapi ang salaping Tsino(RMB) sa Special Drawing Rights(SDR), mula unang araw ng Oktubre, 2016.
Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 27, 2016 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay magsisilbing milestone ng Tsina sa pagsapi sa sistemang pinansyal ng daigdig.
Sinabi ni Geng, na narating sa katatapos na Hangzhou G20 Summit sa Tsina ang mga katugong kasunduan hinggil sa SDR, na kinabibilangan ng pagsapi ng RMB sa SDR. Optimistiko ang Tsina sa mas mahalagang papel ng SDR sa international currency system, sa hinaharap, aniya pa.