Dumating ng Hanoi nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 28, 2016, si Pangulong Rodrigo Duterte para pasimulan ang kanyang dalawang araw na pagdalaw sa Biyetnam. Ito ang kauna-unahang biyahe ni Duterte sa Biyetnam sapul ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa. Bago ang kanyang biyahe, ipinahayag niya na ang kanyang pagbisita ay ibayo pang makakapagpalakas sa estratehikong partnership ng Pilipinas at Biyetnam.
Ayon sa ulat mula sa Ministring Panlabas ng Biyetnam, makaka-usap ni Pangulong Duterte ang kanyang Vietnamese counterpart na si Tran Dai Quang, at makikipagtagpo rin siya sa mga mataaas na lider ng Biyetnam.
Salin: Li Feng