|
||||||||
|
||
Ayon sa "Ulat ng Populasyon sa 2016" na ipinalabas kamakailan ng Pambansang Departamento ng Populasyon at Talento ng Singapore, hanggang noong nagdaang Hunyo, tumaas nang kaunti sa kauna-unahang pagkakataon, ang population growth rate ng bansang ito, pagkaraan ng tatlong taong singkad na pagbaba.
Noong isang taon, lumaki ng 1.3% ang kabuuang populasyon ng Singapore, at umakyat na sa mahigit 5.6 milyon ang bilang na ito. Kabilang dito, halos 60% o halos 3.4 milyong populasyon, ang mga mamamayang Singaporean.
Napag-alamang noong isang taon, mahigit 20 libong bagong migrants ang sumapi sa kabansaan ng Singapore na pareho ng kalagayan nitong ilang taong nakalipas. Ayon sa naturang ulat, plano ng pamahalaan na patuloy na papasukin bawat taon, ang 15 libo hanggang 25 libong bagong migrants sa bansa para maiwasan ang pagbaba ng populasyon ng mga mamamayan nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |