Inilabas Huwebes, Setyembre 29, ng Pamahalaang Amerikano ang isang travel advisory tungkol sa banta ng Zika virus sa 11 bansa sa Timog-silangang Asya.
Ayon sa naturang paalala, kung hindi kailangan, huwag nang bumisita ang mga nagbubuntis sa naturang mga bansa. Dahil kung magkakasakit ang mga butis ng Zika virus, may malaking posibilidad na ang kanilang mga bagong silang na sanggol sa magkakasakit ng microcephaly at magkakaroon ng ibang mga malubhang brain abnormalities.
Ipinahayag ng Centers for Disease Control and Prevention (CDCP) ng Amerika na kung pupuntahan ng mga tao ang nasabing mga bansa, kakaharapin nila ang mga "uncertain risk" na dulot ng Zika virus.
Ang nasabing 11 bansa ay kinabibilangan gn Brunei, Myanmar, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Pilipinas, Thailand. Vietnam, East Timor at Maldives.