|
||||||||
|
||
Sapul nang matuklasan ang unang kaso ng Zika sa Singapore noong Agosto 27, 2016, lumampas na sa 330 ang bilang ng mga kumpirmadong nahawahan ng epidemyang ito sa naturang bansa. Samantala, lampas din sa 200 ang bilang ng kaso sa 16 na probinsya ng Thailand, at magkakahiwalay din ang naiulat na kaso ng naturang sakit sa mga bansang gaya ng Malaysia, Biyetnam, at Pilipinas.
Hinihiling ng Ministring Panlabas ng Indonesia sa embahada nito sa Singapore ang dynamic report tungkol sa pag-unlad ng kalagayang epidemiko ng Zika. Ipinalabas din ng Pamahalaang Indones ang travel advisory sa mga mamamayan nito na may intensyong maglakabay sa Singapore. Samantala, kasama ng Immigration department, ang pinalakas na kumpanya ng Ministri ng Kalusugan ng Indonesia sa pagsasagawa ng quarantine inspection sa walong (8) entry port na gaya ng Jakarta, Bali Island, at Batam Island.
Sa Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kamakailan, nanawagan si Punong Ministro Lee Hsein Loong ng Singapore sa mga bansang ASEAN na magkakasamang magsikap para harapin ang kalagayang epidemiko ng Zika.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |