Huwebes, ika-29 ng Setyembre, 2016, pormal na binuksan sa publiko ang mga transparent bathroom sa Shiyan Lake scenic area ng Changsha, punong lunsod ng Lalawigang Hunan sa Gitnang Tsina.
Yari sa salamin ang lahat ng mga pader ng transparent bathroom, at ang mga pasilidad para sa mga lalaki at babae ay inihihiwalay sa pamamagitan ng malabong salamin.
Maraming turista ang bumisita sa nasabing transparent bathroom, pero kaunti ang nagkalakas ng loob para subukin ito. Ikaw, kaya mo ba?
Salin: Vera
Photo: Chinanews