Batay sa 1,718 pangalan na inirekomenda ng mga mamamayan, opisyal nang isinapubliko ng Macao Special Administrative Region (Macao SAR) ang pangalan ng bagong-silang na kambal na panda na sina "Jianjian" at "Kangkang."
Ang pangalang ito ay hango sa salitang Tsino na "jian kang," na nangangahulugang "kalusugan."
Ayon sa grupong tagapag-alaga, si Jianjian ay may bigat na ngayong 4.115kg, mula sa 135gramo, samantalang si Kangkang naman ay may bigat nang 3.335kg mula sa 53.8gramo. Ipinanganak sila noong June 26, 2016.
Namana ng kambal sa kanilang mga magulang ang katangian ng puti at itim na hitsura, at bukas na rin ang kanilang mga mata, subalit malalapit na bagay pa lamang ang kanilang nakikita.
Ang mga magulang ng kambal ay sina Xinxin (ina) at Kaikai (ama). Sila Xinxin at Kaikai ay regalo ng Mainland Tsina sa sentral na pamahalaan ng Macao SAR mula sa Chengdu Research Base of Giant Panda.