Ang simula ng kasalukuyang 7-araw na bakasyon ng Pambansang Araw ng Tsina ay naging mainit na panahon ng turismo sa bansa.
Ayon sa pagtaya ng Institute for Tourism Studies in China, sa bakasyon na ito, lalaki nang 12% ang persontime ng mga turistang Tsino.
Ayon sa datos mula sa mga ahensiyang panturista, ang pagbabakasyon sa labas ng bansa ay naging pili ng maraming turistang Tsino. Patuloy na nasa unang puwesto ang mga bansang Asyano gaya ng Thailand, Timog Korea, at Hapon. At mas maraming Tsino ang naghahandang pumasyal sa Amerika, Rusya at Britanya.
salin:wle