Sa okasyon ng ika-60 anibersaryo ng pagsisimula ng usapin ng aerospace ng Tsina, isiniwalat kamakailan ni Lei Fanpei, Presidente ng China Aerospace Science and Technology Corporation (CASC), na bago o pagkatapos ng taong 2018, plano ng Tsina na ilunsad ang experimental module ng space station. Bago o pagkatapos ng taong 2022, ilulunsad din ng bansa ang space station na gawa ng 20-ton module. Kaya, sa panahon ng pagsuspendi ng tungkulin ng International Space Station (ISS) sa taong 2024, ang Tsina ay posibleng maging tanging bansang mayroong space station sa buong mundo, aniya pa.
Sa isang panayam, sinabi ni Yang Liwei, Deputy Director of China Manned Space Engineering Office (CMSEO), na may napakaraming plataporma ang Chinese space station para isagawa ang pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa sa daigdig. Sa proseso ng pag-unlad ng stasyon ng kalawakan, nakahanda aniya ang Tsina na sa mas bukas na atityud, palawakin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa iba't-ibang bansa sa daigdig sa mga aspektong gaya ng pagdesenyo ng plano, pagsubok-yari ng mga kagamitan, paggamit ng kalawakan, pagsasanay ng mga astronauts, at magkakasanib na paglipad.
Salin: Li Feng