Ipinahayag ngayong araw, Huwebes, ika-21 ng Abril 2016, sa Beijing ni Wang Zhongyang, Tagapagsalita ng China Aerospace Science and Technology Corp., na ilulunsad ng Tsina sa 2018 ang "Tianhe-1" core module para sa space station. Ito aniya ay simula ng pagtatayo ng Tsina ng kauna-unahang space station nito.
Ayon pa rin kay Wang, pagkatapos nito, ilulunsad din ang dalawang space labs, para idaong sa naturang core module. Anya pa, ayon sa nakatakdang plano, matatapos sa 2020 ang pagtatayo ng space station.
Salin: Liu Kai