Winewelkam ng sektor ng komersyo ng Myanmar ang kapasiyahan ng Amerika sa pag-alis ng sangsyon sa kabuhayan ng bansang ito.
Sinabi nitong Sabado, Oktubre 8, 2016, ni Soe Thein, ekonomista ng Myanmar, na ang aksyon ng Amerika ay makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayan at pinansiya ng Myanmar. Sinabi pa niyang dapat samantalahin ng jewelry industry ng bansang ito ang naturang magandang pagkakataon.
Ipinahayag naman ng namamahalang tauhan ng asosiyasyon ng jade at jewelry ng bansang ito na ang pag-alis ng Amerika ng sangsyon sa Myanmar ay makakalikha ng mas maraming pagkakataon para sa pagluluwas.
Nitong Biyernes, ipinatalastas ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang pag-alis ng sangsyon ng kabuhayan sa Myanmar.