Float parade sa panahon ng Ika-16 na China Myanmar Pal Festival
Sa panahon ng kanyang paglahok sa Ika-16 na China Myanmar Pal Festival na idinaraos sa Ruili, lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina, sinabi ni Lei Zhuning, dalubhasang Tsino sa relasyong Sino-Myanmar, na ibayo pang susulong ang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Myanmar.
Sinabi ni Lei, na sa kasalukuyan, lubos na mahigpit ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Myanmar. Aniya, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner, pinakamalaking destinasyon ng pagluluwas, at pinakamalaking pinanggagalingan ng pamumuhunan ng Myanmar.
Ani Lei, pinasusulong ngayon ng pamahalaan ng Myanmar ang mga usapin ng kabuhayan at lipunan ng bansa. Ipinalalagay niyang puwedeng magbigay-tulong ang Tsina sa Myanmar sa mga may kinalamang aspektong gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, pagpoprodyus at paghahatid ng koryente, pagdedebelop ng turismo, pagpapaunlad ng agrikultura at patubig, pagpapasulong ng edukasyon at kalusugan, at iba pa. Ito aniya ay hindi lamang magdudulot ng mga aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng Myanmar, kundi magpapasulong din sa relasyon at kooperasyon ng Tsina at Myanmar.
Salin: Liu Kai