Pinabulaanan nitong Lunes, Oktubre 10, 2016, ni Budi Karya Sumadi, Ministro ng Komunikasyon ng Indonesia, ang bali-balitang umano'y "inimbitahan ng pamahalaang Indones ang Tsina na makilahok sa proyekto ng konstruksyon ng high-speed railway mula Jakarta hanggang Surabaya." Aniya, hindi ito high-speed railway at medium speed railway project lamang. Dagdag niya, ito ay may bilis lamang na 150 kilometro bawat oras.
Ayon kay Budi, di-kalahok ang Tsina sa konstruksyon at sa pagkukumpuning teknikal lamang kasali ang Tsina.
Salin: Li Feng