Isiniwalat kamakailan ni Mustapa Mohamed, Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Malaysia, na pag-aaralan nila ng Thailand ang tungkol sa plano ng high-speed railway mula Kuala Lumpur hanggang Bangkok. Layon nito aniyang pasulungin ang pagpapalitang pangkabuhayan at mapagkaibigang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Bukod dito, ipinahayag din ni Mustapa na isang kasunduan ang narating ng Malaysia at Thailand hinggil sa pagtatayo ng isang baogng tulay na mag-uugnay sa Pengkalan ng estadong Kelantan, Malaysia at Tak Bai, probinsyang Narathiwat, Thailand sa taong 2017.
Salin: Li Feng