|
||||||||
|
||
Sa kauna-unahang pagkakataon, magtatanghal si Yeng Constantino, kilalang singer at media personality, sa Chinese mainland.
Siya ang napiling kinatawan ng Pilipinas sa 2016 China-ASEAN Friendship Concert na gaganapin Oktubre 14 sa Haikou, kabisera ng Hainan Province sa dakong timog ng Tsina.
Si Yeng Constantino habang kinakapanayam ni Machelle Ramos, Reporter ng China Radio International Filipino Service.
Sa panayam ng CRI Filipino Service, sinabi ni Constantino na isang malaking karangalan ito at masaya siyang makasama sa concert ang mga sikat na singer mula sa Tsina at mga bansa sa Timogsilangang Asya. Wala siyang nararamdamang pressure, sa halip ang sabi ng Pinoy Boyband Superstar judge na "I'm living in the moment, enjoying the present. Napaka-excited ko lalo na dahil kakantahin ko ang sarili kong awitin, sa sarili kong lengwahe." Kakantahin ni Yeng Constantino ang "Hawak Kamay" na tugmang tugma sa tema ng pagtatanghal na "Pagmamahal at Pagkakaibigan." Ani ng singer-composer ang mensahe nito ay tungkol sa pagtutulungan at pagkakaisa. "I hope that this song will inspire all of us to always look out for each other na may hangarin na mapagaan ang buhay ng mga kaibigan natin sa Asya." Dagdag ni Constantino na ang pagpe-perform kasama ng mga dayuhang singer ay makakatulong upang higit niyang mahalin ang pagkanta at magkaroon ng positive impact sa mga taong makakarinig sa kanyang awitin.
Si Yeng Constantino habang nagpapractice ng I Smile Whenever I See You ( Wo Yi Jian Ni Jiu Xiao) opening song ng 2016 China-ASEAN Friendship Concert sa Haikou, Hainan.
Para sa concert, inaral ni Yeng Constantino ang Chinese song na I Smile Whenever I See You ( Wo Yi Jian Ni Jiu Xiao) at ayon sa singer hindi siya nahirapan dahil nakapag-aral siya ng kaunting Mandarin nang kanyang gawin ang Chinese version ng "Ikaw". Ang video ng "Ikaw" ay nakakuha ng 49 millions views sa Youtube. At kwento ni Constantino sa panahon ngayon malaking tulong ang ganitong platform para maka-breakthrough sa overseas market. At ang 2016 China-ASEAN Friendship Concert ay isang pagkakataon din para sa katulad niyang mang-aawit na makilala sa ibayong dagat. Ang 2016 China ASEAN Friendship Concert ay isang proyekto ng China Radio International, Guangxi TV at Hainan TV. At mapapanood hindi lamang sa Tsina kundi maging sa sampung mga bansang miyembro ng ASEAN.
Si Yeng Constantino, kasama ng ibang mga mang-aawit sa rehearsal ng 2016 China-ASEAN Friendship Concert sa Haikou, Hainan.
Ulat: Mac
Larawan: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |