Dumating ng Dhaka Biyernes, Oktubre 14, 2016, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Bangladesh.
Ipinaabot ni Pangulong Xi ang taos-pusong pangungumusta at mainam na pagbati sa mga mamamayan ng Bangladesh. Tinukoy niya na nitong 41 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Bangladesh, patuloy na sumusulong ang relasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang pagkakaibigan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Bangladesh ay hindi lamang umaangkop sa kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi nakakapagbigay ng positibong ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyong ito.
Sinabi rin ni Pangulong Xi na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon sa Bangladesh. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Bangladesh, upang mapataas ang relasyon at pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel, dagdag niya.
Salin: Li Feng