Sa isang panayam nitong Huwebes, Oktubre 13, 2016, sinabi ni António Guterres, susunod na Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na pagkaraan siyang manungkulan, ang pangangalaga sa kapayapaan ay magsisilbing kanyang pangunahing tungkulin. Aniya, mahigpit siyang makikipagkooperasyon sa mga kasaping bansa ng UN para malutas ang problema ng kapayapaan at kaligtasang pandaigdig.
Sa Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng UN, hinirang si António Guterres, dating Punong Ministro ng Portugal at dating UN High Commissioner for Refugees, bilang susunod na Pangkalahatang Kalihim ng UN. Ang termino niya ay mula unang araw ng Enero, 2017, hanggang Ika-31 ng Disyembre, 2021.
Salin: Li Feng