|
||||||||
|
||
Ipinahayag sa Beijing Biyernes, Oktubre 14, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pag-asang sa panahon ng panunungkulan ni Antonio Guterres bilang Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), mapapatingkad ng UN ang mahalagang papel sa mga aspektong tulad ng pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig, at pagpapasulong ng komong pag-unlad.
Ani Geng, si Ginoong Antonio Guterres ay may mayamang karanasan, malaking kakayahan, at maraming kaalaman sa mga suliraning pandaigdig. Siya aniya ay angkop na napiling tao bilang susunod na Pangkalahatang Kalihim ng UN.
Bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council at responsableng miyembro ng komunidad ng daigdig, patuloy na kakatigan ng Tsina ang gawain ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, dagdag pa ni Geng.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |