Lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan ng Malaysia ang pagkakataon at potensyal ng larangan ng Electronic Commerce (EC) at lohistika sa kasalukuyan at hinaharap. Dahil sa bentahe nito sa lokasyon at running cost, umaasa ang bansa na kasunod ng Singapore, ito rin ay magiging isa pang mahalagang logistika pivot sa Timog Silangang Asya.
Unang una, iniharap na ng pamahalaan ng Malaysia ang "Blueprint ng Instalasyon ng Lohistika at Kalakalan" na napakaloob sa katugong estratehikong balangkas at roadmap. Ipinahayag ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na nabuo na ng kanyang ministry ang isang national logistics working group para superbisahin ang progreso at resulta ng pagsasagawa ng nasabing blueprint.
Salin: Li Feng