|
||||||||
|
||
Salamat sa paborableng impormasyong dulot ng isinasagawang state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, umakyat nitong Martes, Oktubre 18, 2016, ng 2.89% o 213 punto ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) na naging 7571 punto ang closing price.
Ipinalalagay ng mga tagapag-analisang Pilipino na maraming pamumuhunan ang inaasahang dadalhin ng pamahalaan ni Duterte mula sa kanyang biyahe sa China. Bunsod nito ang pagpasok sa bansa ng mga pondong dayuhan na naging dahilan ng napakabilis na pagtaas ng PESi. Ipinahayag din nila na ang nasabing dadalhing pamumuhunan ng Pangulo ay makakatulong sa pagpapahupa ng presyur mula devaluation ng Philippine Peso.
Ayon sa mga mediang Pilipino, kasama ng biyahe ni Pangulong Duterte ang ilang daang business men ng Pilipinas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |