|
||||||||
|
||
Beijing Aerospace Control Center (BACC)
Alas-3:31, Miyerkules ng umaga, Oktubre 19, 2016 (Beijing time), matagumpay na automatikong nakipag-dock ang Shenzhou-11 Manned Spacecraft sa Tiangong-2 Space Lab. Sapul nang ilunsad at pumasok sa nakatakdang orbit ang Tiangong-2 Space Lab noong Setyembre 15, ito ang kanilang kauna-unahang docking.
Pumasok sa Tiangong-2 Space Lab ang dalawangastronaut na sina Jing Haipeng at Chen Dong.
Pagkaraan nito, alas-6:32 nang araw ring iyon, magkasunod na pumasok sa Tiangong-2 Space Lab ang dalawangastronaut na sina Jing Haipeng at Chen Dong.
Proseso ng pagdo-docking
Sa kasalukuyan, mainam ang kalagayan ng katawan ng naturang dalawang astronaut. Sa kanilang 30 araw na pananatili sa kalawakan, magsasagawa ang dalawang astronaut ng mga pagsubok at pananaliksik na siyentipiko. Ito ang magiging pinakamahabang pananatili ng Chinese astronaut sa kalawakan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |