|
||||||||
|
||
Jiuquan, Gansu Province, dakong kanluran ng Tsina—Matagumpay na inilunsad ng Tsina ngayong umaga, Lunes, Oktubre 17, 2016 ang Shenzhou-11 Manned Spacecraft.
Nakasakay sa nasabing spacecraft ang dalawang astronaut na sina Jing Haipeng at Chen Dong.
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatakdang makipag-dock ang Shenzhou-11 sa Tiangong-2 Space Lab ng Tsina. Sa kanilang 30 araw na pananatili sa kalawakan, magsasagawa ang dalawang astronaut ng mga pagsubok at pananaliksik na siyentipiko. Ito ang ika-anim na manned space mission ng Tsina.
Dalawang astronaut na sina Jing Haipeng (kanan) at Chen Dong (kaliwa) na nagwagayway ng kamay habang dumadalo sa see-off ceremony ng Shenzhou-11 manned space mission, sa Jiuquan Satellite Launch Center sa Jiuquan, Gansu Province, Oct. 17, 2016. (Xinhua/Li Gang)
Ang Long March-2F carrier rocket na nagdadala ng Shenzhou-11 manned spacecraft habang inilulunsad mula sa launch pad sa Jiuquan Satellite Launch Center sa Jiuquan, Gansu Province, Oct. 17, 2016. (Xinhua/Li Gang)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |