Union Pay International at malaking bangkong komersyal ng Myanmar, magkasamang nag-issue ng credit card
(GMT+08:00) 2016-10-19 10:07:13 CRI
Ipinatalastas Martes, Oktubre 18, 2016, ng Union Pay International (UPI) ng Tsina at Kanbawza Bank (KBZ), pinakamalaking bangkong komersyal ng Myanmar, na magkasama nilang ini-issue ang unang Platinum Credit Card ng Union Pay sa lokalidad.
Maaaring gamitin ang nasabing credit card sa 160 bansa at rehiyon na sinasaklaw ng Union Pay System. Sinusuportahan din nito ang on-line payment.