Si Michael Masutha, South Africa's Minister of Justice and Correctional Services
Kinumpirma nitong Biyernes, Oktubre 21, 2016, ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na natanggap na ng UN ang liham ng Timog Aprika tungkol sa pagtalikod nito sa International Criminal Court (ICC). Ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang kalungkutan hinggil dito.
Kinumpirma rin nang araw ring iyon ni Michael Masutha, South Africa's Minister of Justice and Correctional Services, na dahil di-puwedeng isagawa ang may-kinalamang tadhana ng ICC, opisyal na pinasimulan ng kanyang bansa ang proseso ng pagtalikod ng organong ito. Aniya, isinumite na ng Timog Aprika ang kaukulang liham kay Ban Ki-moon. Isang taong pagkaraang tanggapin ni Ban ang liham na ito, opisyal na tatalikod ang Timog Aprika sa ICC, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng