Ipinatalastas kahapon ng panig pulisya ng Timog Aprika na halos kontrolado na ang kaguluhan laban sa mga dayuhan sa Durban at Johannesburg.
Ayon sa pulisya, upang matigil ang nasabing kaguluhan, idineploy ang maraming pulis sa Durban at Johannesburg, kung saan napakaligalig ang kalagayan. Mahigit 110 suspek ang nahuli.
Ipinahayag naman ni Malusi Gigaba, Ministro ng Suliraning Panloob ng Timog Aprika na ginagamit ng "ilang puwersa" ang nasabing kaguluhan upang takutin ang mga mamamayan at lumikha ng anarkiya sa Timog Aprika.
salin:wle