|
||||||||
|
||
Sina Li Yuanchao (ika-2 mula kaliwa) at Narong Pipattanasai (ika-2 mula kanan)
Pumunta nitong Sabado, Oktubre 22, 2016, si Li Yuanchao, espesyal na sugo ni Pangulong Xi Jinping at Pangalawang Pangulo ng Tsina, sa Thailand upang makiramay sa pagpanaw ng Thailand King na si Bhumibol Adulyadej.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangalawang Punong Ministro Narong Pipattanasai ng Thailand, sinabi ni Li na ang sustenable at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Thai ay di-naihihiwalay sa pagpapahalaga at pagkatig ni Haring Bhumibol Adulyadej at mga miyembro ng Thai Royal Family sa mahabang panahon. Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyong Sino-Thai at ang pakikipagkaibigan sa Thai Royal Family. Nananalig siyang tiyak na ipagpapatuloy ang pagkakaibigang Sino-Thai sa hene-henerasyon, aniya pa.
Ipinahayag naman ni Narong ang pasasalamat sa pakikidalamhati ng Pangalawang Pangulong Tsino. Ito aniya ay nagpapakita ng malalimang damdamin ng mga lider, pamahalaan, at mga mamamayang Tsino sa Royal Family, pamahalaan, at mga mamamayang Thai. Lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Thai ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina, at nakahanda itong magsikap kasama ng Tsina, upang mapasulong pa ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |