|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Sabado, Oktubre 22, 2016, ni Amir Hossein Zamaninia, Deputy Oil Minister for International Affairs ng Iran, na napanumbalik na ang relasyong pangkooperasyon ng Deutsche Bank at Iran sa oil services.
Ipinahayag din ni Zamaninia na sa kasalukuyan, nakipagtulungan na ang Deutsche Bank sa Iran sa pagsasagawa ng maraming oil service contracts. Aktibo ring pinasusulong ng iba pang mga bangko ang prosesong pangkooperasyon sa Iran, dagdag pa niya.
Noong taong 2006, sinuspendi ng Deutsche Bank ang nasabing relasyon sa Iran, partikular na sa aspekto ng crude oil at oil products selling.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |