Kaugnay ng balitang maari nang mangisda ang mga Pinoy sa karagatan ng Huangyan Island sa lalong madaling panahon, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang bilateral na diyalogo at pagsasanggunian ay pundasyon para lutasin ng dalawang bansa ang mga isyu hinggil sa South China Sea (SCS).
Sinabi pa ni Lu na sa magkasanib na pahayag na inilabas ng Tsina at Pilipinas, sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, maliwanag na ipinahayag ng dalawang bansa na pananatilihin ang pagsasanggunian sa mga isyung may kinalaman sa SCS.
Kung mananatiling mataas ang political will ng dalawang bansa, maaring maayos na malutas ang lahat ng mga isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, aniya pa.