Sinimulan Martes, Oktubre 25, 2016, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Hapon. Kakatagpuin siya bukas (Oktubre 26, 2016) ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, at samakalawa (Oktubre 27, 2016) ng Emperador ng Hapon. Makikipagkita rin si Pangulong Duterte sa namamahalang tauhan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), at tinatayang magkakaloob ang Hapon ng bagong proyekto ng pautang sa pamamagitan ng Japanese Yen sa Pilipinas.
Sa news briefing na idinaos Lunes, ipinahayag ni Yoshihide Suga, Chief Cabinet Secretary Minister ng Hapon na umaasa siyang ibayo pang mapapasulong ang estratehikong partnership ng Hapon at Pilipinas sa pamamagitan ng pagdalaw ni Duterte.
Samantala, umaasa rin si Suga na maaari makoordina ang paninindigan hinggil sa isyu ng South China Sea.
Kaugnay nito, nang kapanayamin ng media ng Hapon, ipinahayag naman ni Duterte na nakahanda lutasin ang mga hidwaan ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pagsasanggunian.
salin:Lele