|
||||||||
|
||
Tahasang binatikos nitong Lunes, Oktubre 24, 2016, ni Daniel Russel, Asistanteng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ang serye ng pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, "nakakapinsala ang mga ito sa damdamin ng Amerika."
Una rito ay maraming beses na pinuna ni Pangulong Duterte ang Amerika at ang pangulo nitong si Barack Obama. Idineklara kamakailan ni Duterte ang paghiwalay sa Amerika sa ugnayang pangkabuhayan at militar. Ngunit, pagkatapos nito'y nilinaw ni Pangulong Duterte na ang kanyang ibig sabihin ay "independent foreign policy," at hindi pupulutin ang diplomatikong ugnayan ng Pilipinas sa Amerika. Ayon sa ulat, ang layon ng biyahe ni Daniel Russel sa Pilipinas ay humingi ng paliwanag sa panig Pilipino tungkol sa naturang pananalita ni Pangulong Duterte.
Pagkaraang makipag-usap sa Maynila kay Kalihim Perfecto Yasay ng Ugnayang Panlabas, ipinahayag ni Russel na ang mga sinabi ni Pangulong Duterte ay nagdulot ng "consternation" o pagkadismaya sa Amerika at ibang mga bansa. Ito aniya ay "hindi positibong tunguhin."
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |